Higit P2-M halaga ng pabahay projects sa Cavite, ipinamahagi ng NHA

Higit P2-M halaga ng pabahay projects sa Cavite, ipinamahagi ng NHA

NAMAHAGI ng seed capital ang National Housing Authority (NHA) na nagkakahalaga ng higit P2-M.

Ito ay para sa higit 100 benepisyaryo mula sa 9 na proyektong pabahay ng ahensiya sa Naic at Trece Martirez sa Cavite.

Sa isang pahayag, sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na ang pondong inilaan ng pamahalaan ay bunga ng pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nais ng ahensiya na matulungan ang mga pamilyang benepisyaryo na makapagsimula ng kanilang negosyo sa bago nilang komunidad.

Sinisiguro naman ng NHA na makikipagtulungan sila sa iba’t iba pang ahensiya ng pamahalaan upang mapatupad ang sustainable livelihood program para sa mga Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter