Higit P30-M halaga ng tulong para sa mga biktima ng Bagyong Egay, ipinaabot ng EU

Higit P30-M halaga ng tulong para sa mga biktima ng Bagyong Egay, ipinaabot ng EU

NAGBIGAY ng mahigit P30-M halaga ng tulong ang European Union para sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Pilipinas.

Ayon sa EU, ito ay para din masuportahan ang relief efforts ng bansa.

Partikular na dito ang mga lugar na naapektuhan ng bagyo kung saan naroon na ang kanilang humanitarian partners para i-assess ang pangangailangan ng mga lokal na residente.

Ayon sa EU, ang naturang pondo ay naglalayong makapagbigay ng lifesaving assistance gaya ng emergency shelter at  repair, malinis na tubig at sanitation para sa matinding sinalanta ng bagyo sa Region 1.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter