Higit P4.5M high grade marijuana, naharang sa Central Mail Exchange Center─BOC-NAIA

Higit P4.5M high grade marijuana, naharang sa Central Mail Exchange Center─BOC-NAIA

NASABAT ng mga tauhan ng awtoridad ang anim na parcel na naglalaman ng high grade marijuana o kush sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC)-NAIA, naharang ang mga parcel mula Thailand na naglalaman ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P4.5M matapos magsagawa ng routine inspection ang mga tauhan nito kasama ang PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Agad namang kinumpiska ang kontrobando at iti-nurn over sa PDEA para isailalim sa imbestigasyon at makasuhan ang nasa likod nito.

Halos P40-M halaga ng kush na inilagay sa balikbayan boxes mula Canada, naharang sa MICP─BOC

Samantala, nasabat naman ng BOC sa pakikipagtulungan sa PDEA ang higit 28kg ng kush na nagkakahalaga ng halos P4M.

Natuklasan ang ilegal na droga sa loob ng balikbayan boxes na dumating sa Manila International Container Port mula Canada matapos isailalim sa physical examination.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble