WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P4-B halaga ng nakumpiskang ilegal na droga sa isang waste facility site sa Brgy. Aguado, Trece Martires, Cavite.
Isinagawa ang pagsira sa mga nakumpiskang ilegal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis na may temperatura na higit sa 1,000 degrees centigrade.
Ayon sa consolidated report ng PDEA laboratory service, ang mga nawasak na droga ay kinabibilangan ng 600 kilo ng shabu; higit 100 kilo ng marijuana, 6.28 gramo ng cocaine, higit 1,200 gramo ng ecstasy, 32.5 gramo ng ephedrine at iba pa.
Ang mga sinira ay mga ginamit bilang ebidensiya sa mga court case at ngayon ay inisyuhan na ng court order para sa pagsira ng mga ito.