AABOT sa mahigit lima punto limang milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng Bureau of Custom – Port of Clark sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang ahensya ng gobyerno.
Sa ulat ng BOC, ang resulta ng pagkakasabat ng iligal na droga ay matapos na makatanggap ng derogatory information mula sa PDEA para isailalim sa pagsusuri ang sampung piraso ng mga laruan na kinabibilangan ng isang surprise egg toy at siyam (9) na kinetic sand toys na kapwa nagmula Sa Los Angeles, California.
Sa ginawang pagsusuri, ang bawat laruan ay may lamang vacuum-sealed pouches na naglalaman ng white crystalline substance na kalaunan ay nakumpirmang shabu matapos isailalim sa pagsusuri.
Dahil dito, agad na nagpalabas ng warrant of seizure and detention sa naturang mga kontrobando na may timbang na walundaan at labing anim na gramo.
Nakatakdang sana itong ibiyahe patungong Cagayan De Oro City.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng otoridad ang nasa likod ng nasabat na iligal na droga.