IBINASURA ang hiling ng PAO na tanggalin o baguhin ang ilang nakasaad sa CPRA.
Ibinasura ng Korte Suprema ang hiling na pagbabago o pagtanggal sa Section 22, Canon III ng Code of Professional Responsibility (CPR) na naglilimita sa invocation ng mga abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) sa posibleng conflict of interest sa mga hawak na kaso.
Ayon sa Supreme Court, pangunahing mandato ng PAO ang bigyan ng libreng legal assistance ang mga mahihirap na Pilipino na nahaharap sa kasong kriminal, civil, labor, administrative at iba pang quasi-judicial cases.
At ipinunto na ang pagtalikod sa mga ito o hindi pagbibigay ng serbisyo ng mga PAO lawyer dahil sa conflict of interest ay salungat sa pangunahing tungkulin ng ahensiya at daan-daang mahihirap na indibidwal na may reklamo, apela o mga akusado ang hindi matutulungan.
Matatandaan na inihain ni PAO chief Atty. Persida Rueda Acosta ang naturang hiling noong nakaraang buwan na layong maiwasan ang sitwasyon kung saan maglaban-laban sa korte ang mga abogado ng PAO na maaaring magresulta ng conflict of interest sa pagitan ng mga public defender.