Hindi kumpletong suplay ng kuryente, dalawang lugar na lang –DOE

Hindi kumpletong suplay ng kuryente, dalawang lugar na lang –DOE

DALAWANG lugar na lang ang hindi pa kumpleto ang suplay ng kuryente.

Ito’y ayon kay Department of Energy (DOE) Asec. Mario Marasigan matapos manalasa sa bansa ang Bagyong Paeng.

Ipinaliwanag ni Marasigan na hindi na ibinalik ang kuryente sa ibang lugar dahil lubog pa ang mga ito sa baha.

Samantala, sinabi ni Marasigan na bagama’t hindi masyadong kalakasan ang Bagyong Paeng, halos buong bansa ang dinaanan nito kung kaya’t marami itong napinsala.

 

Follow SMNI News on Twitter