Hindi problema ang Konstitusyon kundi korapsiyon—Atty. Vic Rodriguez

Hindi problema ang Konstitusyon kundi korapsiyon—Atty. Vic Rodriguez

NAGBIGAY ng kaniyang suporta ang dating Executive Secretary ng Marcos Administration na si Atty. Vic Rodriguez sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila.

Nakikiisa at nakikisama si Atty. Vic sa ipinaglalaban na ”Sovereign Filipino People are not for sale”.

Hindi rin ito pabor sa paglustay sa pera ng bayan dahil sa isinusulong ng gobyerno na pagbabago sa Konstitusyon o Charter Change sa pamamagitan ng pekeng People’s Initiative (PI).

Tinukoy niya na hindi problema ang Konstitusyon kundi ang problema ng bansa ngayon ay korapsiyon, ang pagtaas ng inflation, at ang nangyayaring political persecution.

Inilahad ni Rodriguez ang lahat ng mga panggigipit at kasamaan ng kasalukuyang administrasyon lalo na ang pang-aabuso sa kapangyarihan.

Nagbigay rin ito ng kaniyang hinaing sa nangyayaring imbestigasyon sa Senado tungkol sa ibinibintang kaso kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ, at sinabi niya na hindi korte ang Senado at ipaubaya na ito sa korte.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter