Hoarding, ginagawa dahil gustong tumaas ang presyo – political analyst

Hoarding, ginagawa dahil gustong tumaas ang presyo – political analyst

GINAGAWA ng mga negosyante ang hoarding dahil gusto nitong tumaas ang presyo ng mga produkto sa merkado kapag ilabas sa mga warehouse.

Ito ang inihayag ng political analyst na si Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News.

Naniniwala si Uy na puedeng magkaroon ng sapat na suplay ng agricultural products sa bansa ngunit dapat alamin muna ng gobyerno kung may kakulangan ba talaga ng suplay sa bansa.

Pagdating naman sa salt production ng bansa, sinabi ni Uy na dapat tutukan na ito ng gobyerno dahil mula 100% salt production, naging 7% na lang ang produksyon ng bansa.

Ani Prof. Uy, nakapagtataka kung mag-iimport pa ang bansa ng asin kung napapalibutan naman ng dagat ang Pilipinas.

Umaasa naman si Uy na masosolusyonan ang mga problemang ito ngayong si PBBM ang kalihim ng DA.

 

Follow SMNI News on Twitter