ARESTADO ang Hollywood star na si Jonathan Majors matapos ang umano’y pambubugbog nito sa isang babae.
Rumesponde ang kapulisan ng Manhattan, New York sa isang emergency call na mayroon umanong nangyayaring domestic dispute sa pagitan nina Majors at ng isang 30-taong gulang na babae.
Agad na dinala ang babae na umano’y inatake ni Majors sa pinakamalapit na ospital na nagtamo ng minor ear at neck injuries.
Pinasinungalingan naman ng representative ni Majors na si Carrie Gordon ang mga akusasyon sa aktor at sinabing walang ginawang masama ang aktor at nais nilang malinis ang pangalan nito.
Si Majors ay bumida sa mga major films gaya ng “Creed III,” Ant-Man and the Wasp: Quantumania” at “Magazine Dreams.”