Hong Kong, ipagpapatuloy na ang face-to-face classes

Hong Kong, ipagpapatuloy na ang face-to-face classes

IPAGPAPATULOY  na ng Hong Kong ang face to face classes  ngunit kinakailangang fully vaccinated ng kahit dalawang dosis ang mga mag-aaral.

Inanunsyo ng gobyerno ng Hong Kong na dapat 90% sa mga mag-aaral  ang fully vaccinated ng kahit ng dalawang dosis upang ipagpatuloy ang buong araw na face to face na klase sa lungsod.

Ayon sa  kalihim para sa edukasyon na si Kevin Yeun Yun Hung, kinakailangang lahat ng mga guro at kawani ng paaralan ay nakatanggap na ng kahit dalawang dosis ng bakuna upang makabalik sa campus maliban na lamang kung magsusumite ang mga ito ng medical exemption.

Nilinaw naman nito na pinapayagan pa rin ang harapan na klase at mga iba pang aktibidad ng paaralan kung sakaling hindi maabot ang 90% ng mga mag-aaral na hindi pa nakapag bakuna ng dalawang dosis.

Anya maaari pa ring ayusin ang mga aktibidad na hindi pang-akademiko tulad ng musika at palakasan sa kalahating araw ng pag-aaral nito.

Matatandaan na una nang inanunsyo ng lider ng Hong Kong na si Carrie Lam sa kanyang press briefing noong Lunes na pinahihintulutan nang ipagpatuloy ang face to face classes sa darating na Abril 19.

Follow SMNI NEWS in Twitter