Hong Kong, nag-anunsyo ng panibagong COVID-19 protocols

Hong Kong, nag-anunsyo ng panibagong COVID-19 protocols

HINDI na kakailanganin ng mga bars at restaurants sa Hong Kong ang pagpapakita ng mga bibisita dito ng negatibong COVID-19 tests.

Maliban pa sa pagluluwag na ito, ang Cinemas at performing venues ay pinapayagan na rin na mag-operate ng full capacity.

Matatandaang ito na ang pinakalatest na pagluluwag ng COVID-19 protocols sa bansa.

Noong nakaraang linggo, nauna nang tinanggal ng Hong Kong ang mandatory COVID-19 mobile application na kinakailangan para mag check-in sa mga venues gaya ng gyms, beauty salons at schools.

Binawasan na rin ang isolation period ng COVID-19 patients.

Mula 7 araw ay ginawa na itong 5.

Target ng Hong Kong na dahan-dahan ang pagluluwag upang hindi rin gaanong magkaroon ng public health risks.

 

Follow SMNI News on Twitter