INAKUSAHAN ng United States military ang Houthi rebels ng Yemen na siyang pasimuno sa missile attack sa isang container ship sa Red Sea.
Partikular na nangyari ito sa hilagang bahagi ng Bab-el-Mandeb, isang makipot na yamang tubig na naghihiwalay sa Yemen mula sa Northeast Africa patungong Red Sea at Gulf of Aden.
Wala namang naitalang pinsala o nasugatan mula rito.
Sa panig ng Houthi rebels, inamin nitong sila ang may pakana dahil ang tinutukoy na container ship ay may bandila ng Hong Kong.
Ito na ang pinakalatest na pang-aatake ng Houthi rebels sa Red Sea.
Ang hakbang ay pagpapakita naman ng simpatya ng Houthi rebels sa Hamas sa gitna ng kaguluhan na nangyayari sa pagitan nito at ng Israel.