BINALAAN ng isang senior official ng Houthi rebels ang mga barko na maglalayag sa Red Sea na iwasang lumapit sa mga Palestinian territory.
Ito’y matapos inamin nila na sa kanila galing ang missile na tumama sa isang Norwegian Commercial Tanker kamakailan.
Kasabay ng babala ay hinikayat nila ang mga barko na dadaan sa Yemen na manatiling naka-on ang kanilang radyo at agarang sumagot sa anumang tangkang pakikipagkomunikasyon ng Houthi rebels.
Dapat din anila na kung anuman ang bansa na kinabibilangan ng cargo ship owner ang siyang gagamitin na bandila at huwag nang subukang mameke.
Ang Norwegian commercial tanker ay inatake ng Houthi rebels dahil magdadala ito ng crude oil sa isang Israeli terminal.
Binalewala pa anila ang mga babala ng Houthi rebels kaya’t inatake na nila ito.