MALINAW ayon kay Atty. Harry Roque na ipinilit ang inihaing kaso laban sa kaniya na may kaugnayan sa human trafficking.
Aniya, ito ay ginawa para matuwa lang ang sinumang nasa taas.
Sa kaniyang pahayag, binigyang-diin ng dating presidential spokesperson na wala siyang kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at sa operasyon nito.
Wala ring maipapakitang patunay na mayroon siyang ni-recruit at pinagtrabahong indibidwal sa Lucky South 99 para makasuhan siya ng qualified human trafficking.
Ang Lucky South 99 ay ang operator ng POGO hub sa Porac, Pampanga.
Dahil dito, naniniwala ang butihing abogado na isa itong paraan upang mapagtakpan ang kahihiyan ng Marcos Jr. administration sa rescue efforts ng mga sinalanta ng Bagyong Kristine.
Ipinangako rin nito na haharapin niya ang mga paratang sa kaniya sa tamang panahon.
Follow SMNI News on Rumble