Hungary at Austria, nag-aalok ng libu-libong trabaho para sa OFWs

Hungary at Austria, nag-aalok ng libu-libong trabaho para sa OFWs

LIBU-libong mga trabaho ang inaalok ng bansang Hungary at Austria para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Sa datos ng Department of Migrant Workers (DMW), sa Hungary pa lamang ay nasa 10,000- 20,000 skilled Pinoy workers na ang kailangan.

Nasa 5,000-10,000 na skilled workers naman ang hinahanap sa Czech Republic at Austria.

Samantala, bilang kapalit sa pagkakaroon ng Pinoy healthcare workers, magsisilbing sponsor ang nabanggit na mga bansa sa scholarship ng Pinoy students para manatiling sapat ang bilang ng skilled workers sa Pilipinas.

Kaugnay rito, ninanais na rin ng Italy at Germany na tumanggap ng karagdagang OFWs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble