NAGTIPON-tipon ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Keyaki Kaikan Sagamihara Japan araw ng Linggo Abril 20.
Pinangunahan ito ng “Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement” at nakiisa rin ang iba’t ibang grupo kabilang ang MAISUG Japan, Republic for Peace and Unity (RDPU), ilang mga vlogger at solid DDS supporters.
Naging emosyonal ang mga kababayan natin habang mataimtim na idinalangin na sana’y mabigyan ng hustisya at makauwi na sa Pilipinas si dating Pangulong Duterte.
“Tatay. Ang sakit talaga ng loob ko sa ginawa nila kay tatay. Nagpapasalamat ako sa napaka…masyado na akong emosyonal. Maliit eh. ‘Yung anim na taon, napaka-iksi para sa amin. Makita namin gumaganda ang Pilipinas. Sana tuloy-tuloy pa rin di ba? ‘Yun hanggang ngayon patuloy akong sumusuporta kay Tatay Digong,” ayon kay Ederlina Akiyama, PRRD Supporter.
“Ang one sa feedback at saka project ng Duterte administration na hindi makakalimutan ng tao is NTF-ELCAC kasi iyon iyong nagbabago sa takbo ng ekonomiya. In what way.”
“Iyong farm-to-market road na ginagawa ng NTF-ELCAC. So kahit sinong local chief executive na-appreciate iyong kaniyang project. And about sa OFW, bumalik na ulit sa administrasyong ito iyong tanim-bala—dati wala na iyan and bumalik na rin iyong NAIA sa dati niyang anyo na pinilit binago ni President [Rodrigo] Roa Duterte noon. At hindi matutumbasan iyong pagmamahal ni President Duterte sa mga OFW—tinuring kaming mga buhay na bayani ni PRRD kaya sa abot ng aking makakaya gumagawa ako ng paraan para makatulong sa mga bata na nangangailangan sa aming lugar. So maraming salamat po,” ayon kay Ramíl Antipuesto, PRRD Supporter, IT/Chef
Sun House Foundation/Class Foundation.
Nagbigay rin ng mensahe si dating Presidential Communications Operations Office Undersecretary Dr. Lorraine Badoy kaugnay sa pagbaba ng trust rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, naniniwala naman ang mga OFW sa Japan na malaki ang maitutulong ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sakaling mailuklok siya sa Senado.
“So, half of my life is in Japan na. So, for 15 years and I’m 32 years old, iyong nagbago ng buhay ko [ay] iyong disiplina. Alam niyo naman dito na respetado ang mga tao kahit kanino. So iyon iyong nakikita ko na way ng KOJC. So nakikita ko iyong mga supporter, followers at iyong mga taga-KOJC, very organized, very disciplined, very respectful. So ano ba ang kailangan ng Pilipinas sa ngayon? Iyon,” ani Antipuesto.
Samantala, nagpaabot naman ng panawagan ang ating mga kababayang Pilipino sa lahat na maging matalino sa pagpili ng kandidatang ihahalal sa darating na halalan—dapat tiyaking may paninindigan at tunay na pagmamahal at malasakit sa ating bayan ang ibobotong kandidato.