PAIIGTINGIN pa ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro ang iba’t ibang programang pang-edukasyon sa kanilang lugar.
Pinakatututukan nila ang edukasyon sa mga komunidad ng Indigenous Peoples (IPs) at Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Tugon nila ito sa ulat ng 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) kung saan lumabas na ikalawa sa may pinakamababang antas ng basic literacy ang Oriental Mindoro sa buong MIMAROPA.
Ang 2024 FLEMMS ay isinagawa upang makakalap ng impormasyon hinggil sa literasiya, antas ng edukasyon, at access sa media at komunikasyon ng mga Pilipino.