IBINIDA sa kauna-unahang pagkakataon ang nakakatakam na iba’t ibang putahe sa isinagawang Hog Festival 2024 sa Cubao, Quezon City.
Pinangunahan ito ng National Federation of Hog Farmers Inc., SINAG at Resto PH.
Dumating din sina Sen. Cynthia Villar, Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. at iba pang opisyal ng ahensiya.
Higit 300 putahe ang inihain, kabilang na ang lechon, barbeque, adobo, at marami pang iba.
Target masungkit sa Guinness World Records ang paghahain ng pinakamaraming putahe gamit ang karneng baboy.