IPINAALAM ng Social Security System (SSS) na bubuksan nila tuwing Sabado ang iba’t ibang sangay sa mga shopping mall sa Metro Manila.
Ito ay magtatagal hanggang sa katapusan ng 2022, layunin nito na i-accommodate ang mga miyembro ng ahensya.
May kabuuang 12 sangay sa mga shopping mall sa loob ng Metro Manila ang tatanggap na ngayon ng mga transaksyon sa SSS.
Kabilang ang sa Cubao, Malabon, Novaliches, Paso de Blas, Antipolo, Mandaluyong-Shaw, Marikina, Ortigas, Las Piñas, Makati-Chino Roces, Parañaque, at Taguig.