UMABOT ng 10,074 na tonelada ng asupre ang ibinuga ng Bulkang Kanlaon batay sa pinakahuling update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Oktubre 28, 2024.
Ito na ang pinakamataas na naitalang emission ng naturang bulkan sa kasalukuyan.
Nananatili pa rin naman sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon ngunit muling ipinaalala sa publiko lalong-lalo na sa mga malapit dito na limitahan ang exposure sa ibinubuga na asupre.
Ipinagbabawal din ang pagpasok sa four kilometer-radius permanent danger zone maging ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit dito.