HINDI haharangan ng pamahalaan ang International Criminal Court (ICC) prosecutor kung nais nitong makapanayam ang limang ikinokonsidera nilang suspek sa war on drugs campaign ng Duterte administration.
Kinumpirma ito ni Solicitor General Menardo Guevarra.
Binigyang-diin ng SolGen na hindi sila tutulong sa imbestigasyon ng ICC prosecutor.
Noong Hulyo 28 nang inilabas ni dating Sen. Antonio Trillanes sa kaniyang social media ang update hinggil sa drug war case.
Ang nilalaman sa dokumentong ibinahagi ni Trillanes mula sa Office of the Prosecutor ng ICC, pinangalanang suspek sina Sen. Bato kasama ang dating mga opisyal ng Philippine National Police gaya nina Oscar Albayalde, Edilberto Leonardo, Eleazar Mata at dating CIDG chief at kasalukuyang North Luzon Commander Major General Romeo Caramat Jr.
Sa panig ni Sen. Bato, wala siyang pake sa impormasyong ito dahil simula taong 2016 ay nasasangkot na ang kaniyang pangalan sa kaso.