Idaraos na Bar Exams sa Setyembre, kasado na

Idaraos na Bar Exams sa Setyembre, kasado na

KASADO na ang idaraos na Bar Exams sa Setyembre.

Kasado na ang idaraos na 2023 Bar Examinations sa Setyembre ito ang tiniyak ng Korte Suprema.

Kaugnay rito ay kinumpirma naman ng Office of the 2023 Bar chair na umabot sa 14 ang mga local testing centers na pagdarausan ng Bar Examinations sa Setyembre.

Kabilang sa National Capital Region (NCR) ay ang: San Beda University; University of Sto. Tomas; San Beda College-Alabang; UP Diliman; Manila Adventist College; at UP- Bonifacio Global City (BGC).

Sa Luzon naman ang Saint Louis University; Cagayan State University; at University of Nueva Caceres, habang sa Visayas naman ay University of San Jose-Recoletos; University of San Carlos; Dr. Orestes Romualdez Educational Foundation; Ateneo de Davao University at Xavier University sa Mindanao.

Samantala napili naman ang San Beda College-Alabang na maging national headquarters sa 2023 Bar Exams.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter