INILABAS na ang music collaboration nina Asia’s Nightingale Lani Misalucha at REtroSPECT band member JMRTN.
Ang kanta ay may pamagat na “Iisa Lang”.
Available to play na rin ang kanta sa iba’t ibang streaming platforms habang ang lyric video nito ay uploaded sa official YT Channel ng Star Music.
Sa credits, ang kanta ay composed nina Mandy Placheta, Emil Pama, at mismong si JMRTN.
Si Bobby Velasco naman ang arranger habang Si J Martin Castro ng Jaro Productions USA at Godspeed Music Label ang producer.