Ika-22 anibersaryo ng 80IB ipinagdiwang ng PH Army

Ika-22 anibersaryo ng 80IB ipinagdiwang ng PH Army

IPINAGDIWANG ngayong araw, Marso 8, 2025 ng 80th Infantry Battalion sa ilalim ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang ika-22 anibersaryo ng pagkakatatag nito.

Ang nasabing selebrasyon ay isang pagpupugay sa matibay na dedikasyon at tapat na paglilingkod ng mga sundalo sa komunidad na kanilang nasasakupan.

Sa aktibidad, ibinida ang mga naging tagumpay ng 80th IB mula sa mga nakalipas na taon hanggang sa kasalukuyan, kabilang na ang matagumpay na pagbuwag sa salot na komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble