KILALA sa kanilang evolving sound na pinaghalong 2000s alternative rock, pop-punk, at electronic music, magre-release ang Coloura ng musika na may panibagong genre.
Sa kanilang official announcement, ilalabas nila ngayong May 30 ang ikatlong single ngayong taon na maglalaman ng apat na track.
Ayon sa songwriter na si Jake Relacion, gusto nilang mag-explore ng kakaibang style—mas raw, organic pero polished sound.
2016 nang binuo ni Jake ang grupo kasama si Robert Lim hanggang sa nag-expand sila kasama ang long-time college friends na sina Ziv Zoleta at Emil Baleva.