NAGSISIMULA nang nagsidatingan ang mga makikiisa ngayong hapon ng Marso 9 sa ika-apat na araw ng 7-day Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.
Makikita sa mga raliyista ang bitbit na placard na humihiling ng hustisya para kay Pastor Apollo Quiboloy, mga pito na nakakuwentas sa kanilang mga leeg, at karamihan ay naka-puting t-shirt.
Halatang excited ang mga ito hindi lang para isigaw sa gobyerno ang hustisya para sa butihing Pastor kundi ng buong bansa.
Ang mga nakaranas ng rally sa loob ng tatlong araw na nagdaan ay sabik ding bumalik, dahil hindi kasi ito ordinaryong rally na puro sigaw, na-eenjoy nila ang mga tugtog, awit at sayaw ng tagumpay.