Ika-5 taong anibersaryo ng paglaya ng Marawi City, ginunita ng Philippine Army

Ika-5 taong anibersaryo ng paglaya ng Marawi City, ginunita ng Philippine Army

PINANGUNAHAN ngayong araw ng Philippine Army  Command ang wreath-laying ceremony sa Marawi Pylon, Libingan ng mga Bayani, Fort Bonifacio.

Bukod sa army command, dinaluhan din ang seremonya ng mga kinatawan ng pamahalaan kagaya ng Office of the Peace and Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galvez Jr., dating Interior Secretary Eduardo Año.

Ginugunita ng Philippine Army ang ika-limang anibersaryo ng paglaya ng Marawi City mula sa pagkakasakop ng ISIS-inspired na Maute Group.

Matatandaan na noong Oktubre 17, 2017 makalipas ang 5 buwang pakikibaka ay nakamit ng Marawi ang kalayaan mula sa kamay ng mga terorista na nagdulot ng pagkasawi ng higit 1,000 katao at sumira ng tirahan at establisimyento ng libu-libong residente.

Bilang pag-alala, iba’t ibang mga serye ng mga aktibidad ang isinagawa sa headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio simula Oktubre 15 hanggang 17, 2022.

Highlight ng nasabing event ang mga eksibit at dokumentaryo na inihanda ng Philippine Army at ito ay bubuksan sa publiko.

“The series of events will immortalize the sacrifices of soldiers and law enforcers in the liberation of Marawi City, and at the same time highlight the city’s journey for peace, development, and rehabilitation,” pahayag ni Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., Command General, Philippine Army.

Nakikiisa ang pamunuan ng Philippine Army sa paggunita sa kabayanihan at kagitingan ng mga sundalo at tagapagpatupad ng batas na nagbigay ng sukdulang sakripisyo para sa pagpapalaya sa Marawi City.

BASAHIN: Mga bagong hubog na sundalo ng Philippine Army, nagtapos sa Camp Aquino, Tarlac

Follow SMNI NEWS in Twitter