DUMATING na ang ilan sa mga delegado ng inaabangang ika-65 Palarong Pambansa 2025 sa Laoag, Ilocos Norte simula nitong Miyerkules 21 ng Mayo.
Inaasahang aabot sa 17K delegado na binubuo ng student-athletes, coaches, school officials at technical personnel ang magtatagisan ng galing at talento sa pampalakasan.
Tema ng Palarong Pambansa ngayong taon ang ‘Nagkakaisang Kapuluan’ na nagbibigay-diin sa pambansang pagkakaisa sa pamamagitan ng pampalakasan.
Tampok din sa Palarong Pambansa ang 2025 logo na hinabi nina Jeanette Rico at Mary Ann Caoagas mula sa Brgy. Nalasin, Paoay, Ilocos Norte na kinuha ang hugis mula sa guhit ng iconic pose ni Teofilo Yldefonso, ang kauna-unahang Pilipino na nagwagi ng Olympic medal.
Magsisimula ang Pambansang Palaro 2025 sa May 24 hanggang Hunyo 2 ngayong taon.