Ikatlong batch na mga Pinoy repatriates mula Lebanon, dumating na

Ikatlong batch na mga Pinoy repatriates mula Lebanon, dumating na

DUMATING na sa Pilipinas ang ikatlong batch na mga Pilipino mula Lebanon.

Ang mga naturang repatriates ay binubuo ng 9 na overseas Filipino workers (OFWs) na pawang mga sakay ng Qatar Airways Flight QR928 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, pasado alas diyes ng Miyerkules ng gabi.

Ang pagbabalik ng mga OFW ay dahil sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng Israel at ng militanteng grupong Hezbollah, isang militanteng grupong nakabase sa Lebanon na nakiisa sa Hamas.

Nasa kabuuang 19 na mga OFW ang nakabalik na sa Pilipinas mula sa Lebanon.

Follow SMNI NEWS on Twitter