Ikatlong batch ng Pinoy repatriates mula Gaza, nakauwi na sa bansa

Ikatlong batch ng Pinoy repatriates mula Gaza, nakauwi na sa bansa

NAKAUWI na sa bansa ang ikatlong batch na Pinoy repatriates mula Gaza na binubuo ng 14 na Filipino national at anim na Palestinian.

Nasa apat na pamilya na binubuo ng 20 indibidwal ang tinulungan ng gobyerno ng Pilipinas na mailikas sila mula Gaza.

Gaya na lamang ni Revelina, anim silang miyembro ng pamilya kasama ang kaniyang asawang Palestino ang tinulungan ng pamahalaan na maiuwi sa bansa.

Ayon sa kaniya, mula Abu Dhabi ay lumipat sila ng Gaza at nanirahan ng 11 taon.

Dahil sa matinding kaguluhan doon, nagdesisyon silang umuwi ng Pilipinas kasama ang kaniyang pamilya.

Labis naman ang pasasalamat niya sa tulong ng gobyerno ng Pilipinas na nakauwi na sila sa bansa.

‘Yun nga lamang, wala silang matutuluyan sa Pilipinas.

Tubong La Union si Revelina pero aniya wala na siyang kamag-anak na puwede niyang matuluyan dahil may kaniya-kaniya na silang pamilya.

Ayon naman kay Department of Foreign Affairs (DFA) Asec. Robert Ferrer, tutulungan ng pamahalaan na mabigyan ng masisilungan ang naturang pamilya.

Makikipag-ugnayan din sila sa local government unit para matulungan sila.

Ayon sa Department of Foreign Affairs , may panibagong batch pa na Pinoy repatriates ang inaasahang darating araw ng Miyerkules.

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble