Ilan sa mga incumbent, bago, at dating mayor ng Pangasinan, naghain ng COC

Ilan sa mga incumbent, bago, at dating mayor ng Pangasinan, naghain ng COC

TULUY-tuloy ang unliserbisyo ni Dagupan City, Pangasinan Mayor Belen Fernandez.

Ito ang ipinangako ng alkalde kasama ang bagong team sa 2025 midterm elections.

Kasama na rito ang mga programa sa edukasyon, kalusugan, ekonomiya, anti-flood, goodbye gutom, at marami pang iba.

Pormal nang naghain ng kandidatura ang Team Unliserbisyo kamakailan.

Kasama ni Mayor Belen sina Vice Mayor Bryan Kua, Councilors Michael Fernandez, Jigs Seen, Chito Samson, Joey Tamayo, Danee Canto, Karlos Reyna, Marvin Fabia, Joshua Bugayong, Dra. Jalice “Jaja” Cayabyab, at Christel Hillary “Tala” Paras.

“We can now see, there will changes that are coming. Ang ibig sabihin nito, we now have a team of unliserbisyo, a new one, which I have said earlier, will really fight for the people of Dagupan where they will have also the compassion, and of course the passion to serve the people,” wika ni Mayor Belen Fernandez, Dagupan City, Pangasinan.

Samantala, nitong Linggo naghain na ng kandidatura para sa muling pagtakbo bilang alkalde ng bayan ng Binmaley si incumbent Mayor Pete Merrera.

Running mate ngayon ni Mayor Merrera ang dating konsehal at educator na si Violeta Salazar na tatakbo bilang vice mayor.

Bitbit ng tambalan ang mga pangako na ipagpapatuloy ang programa at proyekto para sa bayan dahil naniniwala ito na bayan muna bago sarili.

“Sinasabi ko sa lahat ng mga empleyado rito lalo na sa mga in-charge, sa ating assessors, sa ating BPLO, sa ating mga engineering na tingnan, ang mga bagay na pangangailangan ng bayan- lalong lalo na sa mga building permit, sa lahat ng mga gumagawa rito, sa lahat ng mga projects, sa lahat ng mga negosyante, lalong lalo na, ‘yung mga mismong nandiyan na alam natin na hindi nagbabayad. Pilit nating ipinapaliwanag natin sa kanila, kung bakit tayo ay nangongolekta, hindi doon sa puwersahang mangongolekta,” pahayag ni Mayor Pedro ‘Pete’ Merrera, Binmaley, Pangasinan.

Kasama sa mga tumakbo ni Mayor Pete sina Councilor Gericho Francisco, Andong Ferrer, Bestmar Valerio, Mitz Sison, Banong delos Angeles, Douglas delos Angeles, at Dr.  Jose Carrera Jr.

Personal na nagpakita ng suporta kay incumbent Mayor Merrera sa filing ng COC bilang reelectionist ang mga dating mayor ng Binmaley, Pangasinan na sina former Mayor Enzo Cerezo at Roland Domalanta.

Saad naman ni Binmaley election officer Estrella Cave na nananatiling mapayapa ang COC filing sa naturang bayan.

“So far, because there were no filers yet from Oct. 1-3, it was too peaceful and even on Oct. 4, it was okay. And now, it is peaceful in Binmaley, and we are only preparing and I also know that it will be a smooth sailing filing of the certificate of candidacy,” ayon kay Ms. Estrella Cave, Election Officer, Binmaley.

Samantala, bumuhos ang suporta ng mga tao kasabay ng paghahain ng kandidatura ni dating Philippine Councilors League at board member ng Pangasinan Arthur Celeste Jr. bilang alkalde ng bayan ng Sual.

Kaya naman lubos ang pasasalamat nito sa suportang ipinakita sa kaniya ng kaniyang mga kababayan sa Sual, Pangasinan.

“Maraming volunteers na pumunta, especially na normally, ang mga tao, eh they are spending their time with their family. Now they’re here to show their support with me, with Team Celeste- Arcinue, and nakakaganda, nakakagaan ng loob, na makikita sila na tumutulong, at mas lalong nawawala ‘yung pagod, at mas lalong nagiging determinado tayo na ipaglaban ang laban na gusto po nating mangyari dito sa bayan ng Sual,” pahayag ni Former BM Arthur Celeste Jr. Aspiring Mayor, Sual, Pangasinan.

Sa ngayon, sinabi ni Arthur na abala siya sa pagse-serbisyo kaysa sa manood o tumingin sa mga isyu ng kaniyang makakatunggali.

Suportado rin si Celeste, Jr. ng kaniyang kapatid na si reelectionist Alaminos City Mayor Bryan Celeste at ng kanilang ama na si Cong. Arthur Celeste Sr.

Kasabay ni Arthur na nag-file ng COC ang kaniyang ka-team na si incumbent Sual Vice Mayor JC Arcinue na reelectionist.

Nitong Linggo, naghain na rin ng COC si former Sta. Barbara Mayor Joel delos Santos kasama ang katandem na si Councilor Bobby Barbiran bilang mayor at vice mayor ng bayan.

Kasama sa tumakbo ni former Mayor Delos Santos ang mga tatakbong councilors na sina Eriesto Fernandez Delos Santos, Juan Tigno Cabangon, Fernando Sotto, Emmanuel Dion, Nemrod Iglesias, Anthony Quinto, Jeffrey Daduya, at John Bruan.

“Kasama po ang aming mga kapartido, ang amin pong vice mayor si three termer Bobby Barbiran at ng walong konsehales, kami po ay masyadong masaya sapagkat nadatnan namin sa COMELEC ang amin pong mga supporters na sila rin ang rason kung bakit nag-desisyon po tayo upang muli ay lumaban sa politika, alam naman natin na ang kalaban natin ay isang beterano, matagal nang namumuno, ngunit hindi po ‘yun ang basehan ng lahat ng mga nag-aambisyon sa politika, na para sa iilan lamang ang posisyon ng pagka-mayor,” ayon kay Joel delos Santos – Former Sta. Barbara, Pangasinan Mayor.

Muli namang nilinaw ng COMELEC-Pangasinan na ang substitution ay papayagan hanggang Oktubre 8, ngunit ang substitution in case of death ay maaaring payagan pagkatapos ng deadline, inaasahan din ng COMELEC na maraming ang magpa-file ng COC sa last day nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble