Ilang bahagi ng NLEX sa ilalim ng Marilao Interchange Bridge, isasara

Ilang bahagi ng NLEX sa ilalim ng Marilao Interchange Bridge, isasara

PINAPAYUHAN ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil pansamantalang isinara ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa ilalim ng Marilao Interchange Bridge northbound.

Sa anunsiyo ng NLEX Corporation, magsisimula ang pagkukumpuni ngayong Marso 24, 2025 ala-una ng hapon, at magtatagal ito hanggang Marso 28, alas-onse ng gabi.

Dahil dito, dalawang linya na lang ang maaaring daanan ng mga motorista.

Matatandaang nasira ang tulay matapos tamaan ng isang 18-wheeler truck papuntang Bataan noong Marso 19.

Ang naturang truck ay may taas na 4.9 metro at lampas na ito sa itinakdang 4.2 metrong height limitation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble