NANANATILING lubog sa tubig-baha ang ilang bahagi ng sentro ng Naga City ilang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Kristine.
Halos lahat ng mga establisyimento rito ay apektado ng baha at karamihan sa mga produktong ibinibenta ay hindi na maaaring pagkakitaan.