SA mga mahilig manood ng blockbuster movies, ito na nga at ilalabas na sa February 14 o Valentine’s Day ang ‘Captain America: Brave New World’.
Ngunit imbes na si Chris Evans ay si Anthony Mackie na muna ang gaganap bilang Captain America.
Sa Mayo 21 naman ay ilalabas na rin ang ‘Mission: Impossible- The Final Reckoning’ nina Tom Cruise, Hayley Atwell, at Simon Pegg.
At yes, may bagong pelikula si Scarlett Johansson pero hindi bilang black widow ng Avengers kundi isa sa mga lead star ng ‘Jurassic World Rebirth’.
Abangan ito sa Hulyo 2.
Sa Hulyo 11 naman ang release ng ‘Superman’ Reboot na pagbibidahan ni Nicholas Hoult.