Ilang customer ng Manila Water, mawawalan ng tubig simula Marso 28-29

Ilang customer ng Manila Water, mawawalan ng tubig simula Marso 28-29

MAGKAKAROON ng pansamantalang pagkagambala sa serbisyo ng tubig ang ilang customer ng Manila Water sa 6 na barangay sa Antipolo City.

Sa abiso ng Manila water magsisimula ang water interruption simula 9pm ng gabi.

Sa Martes, Marso 28 – 7am sa Miyerkules, Marso 29.

Ito ay para bigyang-daan ang pagsasaayos ng mga tagas sa Langhaya Bridge sa kahabaan ng Marcos Highway sa Brgy. Inarawan.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Dela Paz, Bagong Nayon, San Luis, San Isidro, San Juan at Inarawan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter