Ilang EDCA sites, maaaring magamit sa paparating na Typhoon Mawar—AFP

Ilang EDCA sites, maaaring magamit sa paparating na Typhoon Mawar—AFP

MAAARING gamitin ang mga pasilidad na itinayo sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa paparating na Typhoon Mawar.

Ito ang iginiit ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar sakaling maglunsad sila ng Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) operations.

Ayon kay Aguilar, makatutulong ang EDCA sites sa pag-preposition ng relief goods para sa mga maaapektuhan ng bagyo.

Nabatid na tatlo sa mga nakumpletong proyekto sa ilalim ng EDCA ay matatagpuan sa Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga at dalawa sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa, Palawan.

Kabilang sa mga proyektong ito ang Command and Control Fusion Center, HADR Warehouse at Fuel Storage Facilities.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter