NAGING katuwang ng mga bombero sa Los Angeles, California, USA ang ilang inmates para tumulong sa containment o operational support laban sa nararanasan nilang wildfires.
Tinatayang mahigit 900 inmates ang kinuha para dito at ayon sa California Department of Corrections and Rehabilitation (CDCR), binabayaran sila ng 5.80 dollars at 10.24 dollars bawat araw.
Mayroon pa itong karagdagang 1 dollar per hour kapag kasali silang humarap sa isang emergency.
Hindi ito ang unang pagkakataon na pinatulong ang mga bombero.
Ginagawa nila ito bilang pagkakataon upang makatulong sa lipunan at para na rin mabawasan ang kanilang sentensiya.