Ilang kabataan, suportado ang Kadiwa program ni PBBM

Ilang kabataan, suportado ang Kadiwa program ni PBBM

WALANG sinayang na panahon ang ilang kabataan para makiisa sa mga programa ng pamahalaan lalo na sa usapin ng pagtitipid dahil sa mahal na bilihin.

Sa murang edad, may ilang kabataan ang nagpahayag ng suporta sa Kadiwa program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Halos naikot na ni Pangulong Marcos ang buong bansa para isulong ang murang mga bilihin para sa pamilyang Pilipino.

Bukod sa malaking tulong ito sa mga maralitang Pinoy lalo na’t halos lahat ng tinatamaan ng mahal na presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, nagsisilbi rin itong inspirasyon sa marami ang nasabing hakbang ng Pangulo.

Isa na rito si Harrel Evangelista, sa murang edad, naisip nitong makiisa sa programa ng gobyerno habang aminado siyang nauunawaan nito ang kalagayan ng maraming Pinoy bunga ng kahirapan.

Giit pa nito, mas mainam aniya na makatulong sa maliit na paraan at maging  sensitibo sa pangangailangan ng nakararami bilang simbolo ng pagpapahalaga sa kapwa katulad ng ipinapakita ng Pangulo para sa pamilyang Pilipino.

Nauna nang ipinaliwanag ng pamahalaan sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na mapalawak pa ang lugar ng Kadiwa Centers upang matulungang kumita ang mga magsasaka at mga mangingisda.

Habang malaking tulong din ito sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng direct farm-to-consumer trade na layong labanan ang epekto ng pagtaas ng inflation sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter