Ilang kalsada sa Maynila isasara mula Enero 6-9, 2023

Ilang kalsada sa Maynila isasara mula Enero 6-9, 2023

SASARHAN muna ang ilang kalsada sa Maynila para sa Pista ng Itim na Nazareno sa Enero 7-9.

Sa abiso na ipinadala ng Manila LGU, sisimulan ang road closure sa January 6-9, 10pm onwards.

Ilan sa mga daan na ito ay ang Independence Road, Katigbak Drive, south drive, north bound at south bound ng Roxas Boulevard.

Gayun din ang north at south bound ng Quezon Blvd, ang east at west bound ng España Blvd. at iba pang mga sumusunod na kalsada.

January 7-9, 7 pm onwards

  • Quezon Blvd. Northbound and Southbound (from A. Mendoza/Fugoso to Quezon Bridge, straight to Padre Burgos Park ‘N Ride)
  • España Blvd. Westbound and Eastbound (from P. Campa to A. Mendoza)
  • stretch of Evangelista St. (From Plaza San Juan to Recto Ave.)
  • stretch of Raon St. (G. Puyat) (from Evangelista to Quezon Blvd.)
  • stretch of P. Paterno St. from Quezon Blvd. to Evangelista)
  • stretch of Carriedo St. (from Rizal Ave. to Plaza San Juan)
  • stretch of C. Palanca St. (from McArthur Bridge to Quiapo ilalim/Quinta Market straight to P. Casal)
  • stretch of Bustos St. (from Plaza Sta. Cruz to Rizal Ave.)
  • Northbound Lane of Rizal Avenue (from Carriedo to Recto Ave.)
  • Northbound Lane of McArthur Bridge
  • Eastbound and Westbound Lane of Recto Ave. (from Rizal Ave to Nicanor Reyes St.)
  • stretch of Nicanor Reyes St. (from España Blvd. to Recto Ave.)

Pinapayuhan naman ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta para hindi maabala ng road closures.

Pagdating sa seguridad ng okasyon, ayon kay  Manila Police District Chief Andre Dizon, mahigpit silang magbabantay.

Limang libong pulis ang idedeploy para bantayan ang mga deboto.

Bukas, alas tres ng hapon, ay magkakaroon na ng send-off ceremony para sa mga PNP personnel.

Sa mga makikiisa sa pista, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng deadly weapon, alcohol, mga pangsugal at flammable materials.

Mahigpit ang tagubilin ng MPD na ang lahat ng makikilahok ay magdala at magsuot ng face —–mask para iwas-COVID.

Ang Bureau of Fire ng Maynila, magbabantay din para sa oras na magkaroon ng sunog agad silang makapagresponde.

Wala nang paghalik sa poon o ang traslacion sa pista ng Black Nazarene.

Sa halip, “Walk of Faith” o “Prusisyon” at misa na lamang ang mangyayari dahil sa banta ng COVID-19.

Follow SMNI News on Twitter