Ilang kritiko, pumalag sa plano ng pamahalaan na bumili ng mga fighter jets

Ilang kritiko, pumalag sa plano ng pamahalaan na bumili ng mga fighter jets

PUMAYAG ang US State Department sa posibleng pagbenta ng 20 F-16 fighter jets sa Pilipinas sa halagang 5.58 bilyong dolyar.

Layon umano ng Amerika na makatulong sa pagpapalakas ng seguridad ng isang estratehikong kaalyado sa rehiyon.

Inanunsyo ng Defense Security Cooperation Agency (DSCA) ang posibilidad ng kasunduan ilang araw lamang matapos bumisita sa Maynila si US Defence Secretary Pete Hegseth.

Ayon sa DSCA, layunin ng bentahan na palakasin ang kakayahan ng Philippine Air Force sa pagbabantay sa karagatan, pagbibigay ng air support, at pagdepensa laban sa mga banta mula sa ere.

Ngunit para sa ilang kritiko, hindi ito akmang hakbang sa kasalukuyang kalagayan ng bansa.

Sa panayam ng international media kay Prof. Anna Malindog-Uy, vice president ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute, iginiit niyang Estados Unidos lamang umano ang tunay na makikinabang sa kasunduan.

Binigyang-diin niya na ang hakbang ay malinaw na indikasyon ng isang mas malalim na alyansa at suporta sa Indo-Pacific strategy ng Estados Unidos, na layuning kontrahin ang paglawak ng impluwensiya ng China sa rehiyon.

“For me the way I see it, it’s really all about the strategic goals of the United States aim to achieve through this massive arms deal with the Philippines. This armed deal is not just transactional, it’s not just about aircraft—it signals deeper military alignment and alliance signaling. It reflects to the U.S. Indo-Pacific strategy to counter and to contain China in Indo-Pacific,” ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy.

Dagdag pa ni Prof. Malindog-Uy, malinaw para sa China na ang pagbili ng F-16 ay hindi simpleng depensang hakbang kundi bahagi ng mas malawak na geopolitical positioning.

“This signals to Beijing that the Philippines is not anymore just on defenses, but it means that the Philippines is now being in the frontline of this geopolitical maneuvering that is happening, which is not good for the Philippines,” saad nito.

Para naman kay geopolitical analyst Herman “Ka-Mentong” Laurel, habang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng China at Taiwan, hindi pa raw ito ang tamang panahon para sa ganitong klase ng investment.

Ang mas dapat tutukan, ayon sa kanya, ay ang gutom na nararanasan ng milyun-milyong Pilipino.

“27% plus plus ng populasyon po natin ay nakakadanas po ng matinding gutom. That is one out of three na dumadanas ng gutom, tapos gusto ng mga Amerikano tayo’y mangutang sa kanila para bumili ng F-16,” sabi ni Herman “Ka-Mentong” Laurel.

Giit pa niya, ang tunay na pundasyon ng pambansang depensa ay hindi lamang armas—kundi ang katatagan ng ekonomiya.

“Ang pinaka-depensa ng isang bansa ay ‘yong katatagan ng ekonomiya at kabuhayan ng taong-bayan, para ang suporta ng taong-bayan sa pamahalaan at republika ay solido. At ‘yong manufacturing sector ay malakas at kayang-kayang i-sustain ang pangangailangan ng defense equipment and so on,” ani Ka-Mentong.

Sa huli, payo ng mga kritiko sa gobyerno: pag-isipang mabuti ang kahihinatnan ng kasunduang ito—hindi lamang sa pananalapi kundi sa posisyon ng Pilipinas sa masalimuot na geopolitical tension sa Asya.

“As you can see, the Philippines has its own domestic economic and finance problems at the moment. So I think this—should really think about—I mean, the government and the Philippines—to think about this, and if this is really to our advantage and if we really can afford this. Because as far as I’m concerned, when you talk about F-16, it’s not just about the amount of money that you put in this military asset. It’s also about how you’re gonna maintain this in terms of operation and its spare parts, you know,” dagdag ni Prof. Anna Malindog-Uy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble