Ilang lugar sa bansa nagdeklara ng walang pasok dahil sa matinding init

Ilang lugar sa bansa nagdeklara ng walang pasok dahil sa matinding init

NAGDEKLARA ang ilang lugar sa bansa ng suspensiyon ng klase ngayong araw, Huwebes Marso 6, 2025.

Narito ang mga lugar na nagdeklara ng walang pasok ngayong araw, Marso 6, 2025 sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan dahil sa mainit na panahon:

Ang mga walang face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan ay ang mga sumusunod:

  • Pasay
  • Calauan, Calamba, at Cabuyao, Laguna
  • Bacoor at Kawit, Cavite
  • San Luis, Batangas

Walang face-to-face classes sa lahat ng antas mamayang hapon sa:

  • Candaba, Pampanga

Mula ngayong araw hanggang bukas, March 7, ay walang face-to-face classes mula preschool hanggang senior high school sa mga pampublikong paaralan sa:

  • San Jose del Monte, Bulacan

Para sa mga hindi naisali, maaaring makipag-ugnayan sa mismong paaralan sa inyong lugar upang malaman ang schedule ng pasok.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble