Ilang lugar sa Metro Manila, mawawalan ng tubig ngayong linggo

Ilang lugar sa Metro Manila, mawawalan ng tubig ngayong linggo

ISANG linggong mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at sa kalapit na probinsiya nito.

Sa anunsiyo ng Maynilad Water Services Incorporated, magkakaroon sila ng network maintenance para sa system upgrade sa West Zone Service Area upang mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga konsyumer.

Mawawalan ng suplay ng tubig simula ngayong araw at magtatagal hanggang Disyembre 18 o sa araw ng Linggo.

Kabilang sa mga lugar na apektado sa Quezon City ay ang Brgy. Bungad, Paltok, San Antonio sa may Roosevelt Cor., M.H. Del Pillar, Brgy. Samson, Balingasa, Doña Imelda Marcos, Manresa partikular sa Toctocan Cor., Ventura St. maging ang Brgy. 8 at 12 sa Alimasag Caloocan City.

Apektado rin ang Brgy. Tanza Uno at Tanza Dos sa Imus City at ilan pang bahagi sa lalawigan ng Cavite.

Follow SMNI NEWS in Twitter