Ilang matataas na opisyal ng PNP, pinatawan ng cite in contempt sa Senado

Ilang matataas na opisyal ng PNP, pinatawan ng cite in contempt sa Senado

NAGING mainit ang pagdinig ng Senado nitong Martes, Mayo 23 hinggil sa umano’y pagkasangkot ng high-ranking Philippine National Police (PNP) officials sa umano’y 990kg shabu cover-up.

Kaugnay nito’y 7 katao ang pinatawan ng contempt order ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

Kabilang dito sina: MSgt. Rodolfo Mayo; Lt. Col. Arnulfo Ibanez; Carlos Bayeta; Romer Bugarin; Peter Gular; Hassan Kalaw; at Dennis Carolino.

Pagsusuot ng body cams habang nagsasawa ng drug operation, iminungkahi ng isang senador

Samantala, iminungkahi naman si Senator Raffy Tulfo na obligahin ang paggamit ng body cameras habang nagsasagawa ng buy-bust operation ang pulisya.

Kasunod ng pahayag ni BGen. Narciso Domingo, napag-alaman na sa 17 rehiyon ay tig-1 body camera lang ang mayroon ang mga ito.

Mga umano’y sangkot sa P6.7-B Manila drug buy bust, kita sa CCTV

Kaugnay pa rin nito’y inilabas na ng Senado ang kuha mula sa CCTV kung saan makikita ang ilang mga opisyal ng PNP.

Sen. Bato, lumuhod na sa pagmamakaawa na maglahad ng katotohanan ang umano’y sangkot sa 990kg shabu cover-up

Samantala, hindi naman napigilan ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maging emosyonal matapos madismaya sa tugon ng ilang opisyal.

Lumuhod na rin sa pagmamakaawa si Dela Rosa sa paghahangad na maglahad ng katotohanan ang mga umano’y sangkot sa 990kg shabu cover-up.

Nangako naman ang ilang senador na hindi ito titigil sa imbestigasyon hanggang hindi lumilitaw ang katotohanan sa umano’y 990kg shabu cover-up.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter