Ilang mga mangingisda sa Catanduanes, nawawala dahil sa mga pag-ulan –OCD

Ilang mga mangingisda sa Catanduanes, nawawala dahil sa mga pag-ulan –OCD

INIULAT ng Office of Civil Defense (OCD) na 9 na mangingisda ang nawawala sa Catanduanes.

Dulot ito sa mga pag-ulan ng ilang bahagi ng bansa nitong weekend.

Sa ulat, December 24 nang mawala ang mga mangingisda.

Ayon kay OCD-Bicol spokesperson Gremil Alexis Naz, 5 sa mga nawawala ay mula sa Virac habang 9 ang mula sa Viga.

Sa Northern Samar naman ay 5 ring mangingisda na nawawala.

Tig-dadalawa mula sa Palapag at San Roque at ang isa ay mula sa Laoang.

Ipinaliwanag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) na walang low pressure area subalit may shear line na nagiging sanhi ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

 

Follow SMNI News on Twitter