Ilang mga nasirang daan dulot ng lindol sa CAR at Ilocos, bukas na sa mga motorista

Ilang mga nasirang daan dulot ng lindol sa CAR at Ilocos, bukas na sa mga motorista

BINUKSAN ngayong araw ang ilang kalsada na hindi madaanan kasunod ng malakas na lindol sa CAR at Ilocos Region ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Matatandaan kahapon, 14 na national road ang isinara ng DPWH para sa clearing operations.

Naitala namang nasa P59. 23-M ang partial na halaga ng damage sa mga national road ayon sa ahensiya.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, bukas na ulit ang walong kalsada.

Kabilang sa mga national road section na binuksan na ng DPWH:

1) Abra – Kalinga Road

2) Abra – Ilocos Norte Road

3) Abra-Cervantes Road.

Benguet

1) Asin Road, Baguio City

2) Marcos Highway

3) Benguet-Nueva Vizcaya Road

4) Baguio – Bauang Road

5) Congressman Andres Acop Cosalan Road

Kalinga

1) Mt. Province-Calanan-Pinukpuk-Abbut Road

2) Kalinga-Abra Road

Mt. Province

1) Mt. Province-Cagayan via Tabuk – Enrile Road

2) Mt. Province-Ilocos Sur Road

Ilocos Sur

– Santa Rancho Road (Calungbuyan Bridge)

 

Samantala, nagpapatuloy naman ang clearing operations sa 8 kalsada sa CAR at Region 1.

Clearing operations nagpapatuloy sa mga sumusunod:

1.) Kennon Road, Benguet (for safety purposes);

2) Gov. Bado Dangwa National Road K0285+600 section in Tab-ao, Kapangan, Benguet (due to rockfall);

3) Banaue-Hungduan-Benguet Boundary Road K0355+600 section in Ap-apid, Tinoc, Ifugao (due to rock collapse);

4) Lubuagan-Batong Buhay Road K0462+010, K0463+000, K0463+400, K0463+700, K0464+000 sections in Puapo, Dangtalan, Pasil, Kalinga and K0464+600,K0464+700, K0464+800 sections in Colong, Lower Uma, Lubuagan, Kalinga (due to rock collapse);

5) Baguio – Bontoc Road, Mt. Data Cliff, Bauko, Mt. Province (due to soil collapse);

6) Tagudin – Cervantes Road, K0341+600 in Ilocos Sur (due to landslide and rockslide);

7) Jct. Santiago-Banayoyo-Lidlidda-San Emilio-Quirino Road K0393+000 Brgy. Cayos, Quirino, and K0391+200, Ilocos Sur (due to landslide and rockslide); and

8) Cervantes-Aluling-Bontoc Road K0387+(-950), Brgy. Aluling, Cervantes, Ilocos Sur (due to landslide and rockslide).

Kabilang din ang Itogon Bridge along Tagudin – Cervantes Road sa Benguet limited sa mga  light vehicles.

Ngayon nasa mahigit na 2k personnel at 408 na equipment ang dineploy ng DPWH para sa nagpapatuloy na clearing operations.

Samantala, maliban sa mga kalsada, ay sinira din ng lindol ang nasa 53 na healthcare facilities sa Northern Luzon ayon sa Department of Health (DOH).

Pagdating naman sa casualties, 4 na ang namatay habang 272 ang injured, kung saan 19 ang isinugod sa ospital, habang 4 ang missing.

Nagpaabot ng assistance ang DOH Central Office kung saan 20 tents, 200 cot beds, hygiene kits, mga gamot at iba pang suplay ang ipinadala doon.

Dumating na rin sa Norte ang mga pangunahing opisyal ng DOH para umasiste.

Follow SMNI News on Twitter