Ilang miyembro ng CTG, nakasagupa ang tropa ng militar sa Iloilo

Ilang miyembro ng CTG, nakasagupa ang tropa ng militar sa Iloilo

NAKASAGUPA ng 61st Infantry (Hunter) Battalion ang humigit-kumulang siyam na miyembro ng communist terrorist group (CTG)— New People’s Army (NPA) nito lang Hulyo 11, 2023 sa Brgy. Camandag, Leon, Iloilo.

Nangyari ang nasabing engkuwentro matapos makatanggap ang tropa ng pamahalaan ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source kung saan nagtatago ang mga nasabing teroristang NPA.

Ayon sa report, walang sugatan sa panig ng militar habang nakita naman sa lugar ang mga dugo na nagkalat kung saan nangyari ang putukan na pinaniniwalaang galing sa mga tumatakas na NPA.

Nakuha mula sa encounter site ang mga gamit pandigma kagaya ng isang AK47 rifle, pitong backpacks, apat na smartphones, tatlong keypad cellphones, isang tablet phone, mga personal na gamit at iba’t ibang dokumento.

Ayon kay MGen. Marion R. Sison, commander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, hindi hihinto ang mga kasundaluhan sa Western at Central Visayas sa pagtugis sa mga natitirang miyembro ng NPA na patuloy na nagtatago mula sa mga awtoridad.

“The Army in Western and Central Visayas will not stop hunting the remaining NPAs who are still hiding from the authorities,” saad ni MGen. Marion R. Sison, Commander, 3ID, PA.

Pinuri din ni Sison ang walang humpay na suporta at kooperasyon ng komunidad sa mga kasundaluhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang impormasyon sa mga tropa ng pamahalaan.

Kasabay ang panawagan sa mga natitirang miyembro ng teroristang CPP-NPA-NDF na magbalik-loob na sa pamahalaan at tanggapin ang mga programang handog ng pamahalaan para sa kanila at mamuhay nang payapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay

“I am calling the remaining NPAs to lay down their arms, surrender and avail the E-CLIP and other government programs and live peacefully together with your families,” dagdag ni Sison.

Kung matatandaan sunud-sunod ang mga naging katagumpayan ng tropa ng pamahalaan dahil sa ‘whole of the nation approach’ na kung saan tulung-tulong ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pribadong sektor, at komunidad sa pagpapatupad ng mga programang magbibigay ng bagong panimula sa lahat ng magbabalik-loob sa pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter