ARESTADO ang tatlong miyembro ng isang kidnap for ransom criminal group kasunod ng isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) 3 sa Brgy. Mabiga, Mabalacat, Pampanga nitong nakaraang linggo lamang.
Kinilala ang mga suspek na sina Paula Bianca Julian, Renan Coronel, pawang residente ng Mabalacat City, Pampanga at si John Jacob Simbulan, residente ng Capas, Tarlac.
Ang biktima, isang 57-anyos na Korean national na kinilalang si ‘Mr. Park”, residente ng Timog Park, Angeles City.
Nahuli ang mga suspek sa sumbong ng kapatid ng biktima nang nasa sa gitna ito ng isang car transaction kung saan dito rin isinagawa ang pagkidnap kay “Park” sakay ng isang itim na Kia Carnival na may conduction number AP 338A.
Gamit ang ipinadalang larawan ng biktima kapalit ng ransom, agad isinumbong ng mga kaanak ang sitwasyon ni “Park” at agad isinagawa ang hot pursuit operation na nagresulta ng pagkakadakip sa mga suspek.
Sa gitna ng imbestigasyon, napag-alaman na may tatlo pang indibidwal kasama ang umano’y mastermind na sinasabing ang sangkot sa pangingidnap na kinilala sa pangalang: Tweenie Salas ng Angeles City, Pampanga (alleged mastermind), John Lex Ubane, at Herson Barroga, pawang mga residente ng Mabalacat City.
Ayon pa sa mga awtoridad, hindi lang isang beses nasangkot ang grupo sa kasong kriminal, kabilang din ang robbery, carnapping, at kidnapping ng ilan pang Korean national.
Tiniyak naman ng PNP ang mas maigting pa na imbestigasyon at monitoring sa mga kahalintulad pang kaso sa rehiyon para tuluyang masawata ang problema ng kriminalidad rito.
“This operation demonstrates our resolve to dismantle criminal networks that threaten the peace and security of our communities. The vigilance of the reporting party and the prompt action of our operatives were instrumental in securing the victim’s safe recovery. With the arrest of members, identification of leaders and subsequent filing of criminal complaints against them, crimes against Korean nationals will be lessened,” saad ni PBGen. Redrico A. Maranan, Director, PRO3.