NAGKANSELA ng pasok ang mga paaralan sa ilang lugar sa Luzon ngayong araw, Hulyo 4, 2025 dahil sa masamang panahon na dulot ng low pressure area at Habagat.
Ang mga ito ay ang:
- Cavite province: elementary hanggang senior high school (public at private)
- Bataan: all levels (public at private)
- Abra: all levels (public at private)
- Ilocos Sur: all levels (public at private)
- Sudipen, La Union: all levels (public at private)
- Tagudin, Ilocos Sur: all levels (public at private)
- La Paz, Tarlac: elementary hanggang senior high school (public at private) ay lilipat sa asynchronous na klase
- Mangaldan, Pangasinan: pre-school hanggang senior high school (public at private) ay lilipat sa asynchronous na klase
Ang asynchronous na klase ay isang uri ng pag-aaral kung saan ang mga estudyante ay hindi kailangang pumasok sa klase o makipagkita sa guro nang sabay-sabay o real-time.