Ilang personalidad, pinuri ang matagumpay na umpisa ng King is Coming Tour ni Pastor Apollo para sa 2023

Ilang personalidad, pinuri ang matagumpay na umpisa ng King is Coming Tour ni Pastor Apollo para sa 2023

PINURI ng ilang kilalang personalidad ang matagumpay at makabuluhang King is Coming Tour ni Pastor Apollo C. Quiboloy ngayong 2023 sa Antipolo, Rizal na dinaluhan ng libu-libong indibidwal.

Ito ay matapos ang higit 3 taong pagkaantala dahil sa matinding lockdown noon bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng ilang kapatiran mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Kabilang din sa mga dumalo sa naturang aktibidad ay ang mga SMNI anchor ng Laban Kasama ang Bayan, gaya ni Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz.

Dumating din si Atty. Mark Tolentino ng Pinoy Legal Minds at Nightline News guest anchor Former PACC Chairman Greco Belgica.

Pinuri ng mga ito ang naging mensahe ni Pastor Apollo na nagbigay ng malaking epekto sa kanilang espiritwal na buhay.

Gayundin sa kung papaano ang tunay at matapat na paglilingkod sa Bayan.

Binibigyang-diin ni Dr. Badoy na tunay ang paglilingkod ni Pastor Apollo partikular na sa pagbibigay serbisyo sa mga Pilipino.

Tagos sa puso aniya ang naging mensahe ni Pastor lalo na sa mga indibidwal na naghahanap ng tunay na kaligtasan.

Ani Badoy, dapat lamang na purihin si Pastor Apollo dahil sa kanyang hindi matatawarang pagmamahal sa bansang Pilipinas.

Sinabi naman ni Jeffery Ka Eric Celiz na ang mensahe ni Pastor Apollo ay simbolo ng pagbabago sa sarili.

Ipinunto pa ni Ka Eric na napakahalaga ng ganitong uri ng pagtitipon upang magbalik-loob ang nawala sa landad dahil sa matinding paglilinlang ng CPP-NPA-NDF.

Samantala, hindi rin maalis sa ilang personalidad ang kasiyahan matapos mapakinggan ang mga mensahe ni Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter